Isa pang mahirap kapag nasa ganitong industry ka, parang hindi ka nakatira sa Pilipinas kasi yung sinusunod mong holiday ay yung holiday ng mga customers mo. Yung oras nila yung sinusunod mo hindi yung oras sa atin. Yun bang lahat ng family members niyo eh nasa bahay dahil wala silang pasok, ikaw lang ang namumukod tanging papasok sa trabaho. Kapag ikaw naman ang nasa bahay, sila naman ang wala. Kapag tulog na sila, ikaw ang gising and vice versa.
At katulad ngayon na may pandemic, tayo nandito sa bahay nagpapahinga, nakakapag relax pero sila, nandon pumapasok pa rin sa office. Puyat at pagod pa rin sa kakasalita.
Bat nga ba ko nagkekwento? Wala lang, gusto ko lang sabihin na hanga ako sa mga BPO employees. It’s never gonna be a no-brainer job. It also requires a looooooot of sacrifices to be working in this industry.
So much respect to you all, my BPO friends. 😊 You guys are heroes in nodern days. 😊
